Nhảy đến nội dung

City of Santa Ana Special Recall Election – Public Service Announcement - Assets

Nobyembre 14, 2023, Espesyal na Halalan para sa Pagpapaalis sa Katungkulan ng Lungsod ng Santa Ana – Pampublikong Anunsyo ng Serbisyo

Nakatuon ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Orange sa pagprotekta sa karapatan ng bawat botante na makaboto nang madali at ligtas.

SANTA ANA, CA – Oktubre 23, 2023 – Nagsimula na ang pagboto sa Nobyembre 14, 2023, Espesyal na Halalan para sa Pagpapaalis sa Katungkulan ng Lungsod ng Santa Ana.

Ipinadala ang mga balota sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng aktibong rehistradong botante sa Santa Ana, Ward 3 noong linggo ng Oktubre 16.

Magkakaroon ng apat na opsyon ang mga botante upang magpasa ng balota sa halalang ito:

  1. Ipadala ang balota sa pamamagitan ng koreo pagsapit ng o bago ang Araw ng Halalan (walang kinakailangang selyo). Para sa mga lokasyon ng mailbox, bisitahin ang ocvote.gov/mail

 

  1. Gamitin ang isa sa dalawang ligtas na drop box na matatagpuan sa Santa Ana, Ward 3. Para sa mga lokasyon, bisitahin ang ocvote.gov/dropbox

 

  1. Ihulog ang balota nang personal sa Sentro ng Pagboto sa Santa Ana, Ward 3. Para sa impormasyon at mga oras ng pagbisita sa lokasyon, bumisita sa ocvote.gov/votecenter

 

  1. Bumoto nang personal sa Sentro ng Pagboto sa Santa Ana, Ward 3.

 

Mayroon ding drop box para sa balota ang tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa Santa Ana at nagsisilbi itong Sentro ng Pagboto para sa mga botante ng Santa Ana, Ward 3.

Ang Sentro ng Pagboto sa Santa Ana, Ward 3 at ang Sentro ng Pagboto sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay bukas sa Nobyembre 4. Ang parehong Sentro ng Pagboto ay magbubukas mula Nobyembre 4 hanggang ika-8 ng gabi sa Nobyembre 14.

Para sa kumpletong listahan ng mga lokasyon at oras ng pagboto, bisitahin ang ocvote.gov/votecenter

Maaari ring tumawag ang mga botante sa aming Hotline ng Botante sa 888-OCVOTES o 888-628-6837 para sa karagdagang impormasyon.

Makikita ang iba pang detalye tungkol sa Nobyembre 14, 2023, Espesyal na Halalan sa Pagpapaalis sa Katungkulan ng Lungsod ng Santa Ana sa website ng Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Orange (https://ocvote.gov/elections).

# # #

Tungkol sa Tagapagrehistro ng mga Botante:
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ang responsable sa pagsasagawa ng mga halalan sa County ng Orange, ang panglimang pinakamalaking hurisdiksyon ng pagboto sa Estados Unidos na may 1.8 milyong rehistradong botante. Isa kaming ahensya ng County, na tumatanggap ng mga pondo mula sa General Fund ng County at pana-panahong reimbursement mula sa pederal na pamahalaan, Estado ng California at mga lokal na hurisdiksyon. Magbasa pa >>

Mga Contact para sa Media:
Enedina Chhim
Tagapagrehistro ng mga Botante
714-567-5197
[email protected]

Pinagmulan:
Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Orange

TALA PARA SA MGA EDITOR: Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang page na  About Us  o tumawag sa media help line ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa 714-567-5197.