주요 콘텐츠로 건너뛰기

City of Santa Ana Special Recall Election – Public Service Announcement - Assets

Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Orange

Espesyal na Halalan sa Pagpapaalis sa Katungkulan ng Lungsod ng Santa Ana

Nobyembre 14, 2023

Pampublikong Anunsyo ng Serbisyo

VOICEOVER

Para sa Ikalabing-apat ng Nobyembre na Espesyal na Halalan sa Pagpapaalis sa Katungkulan ng Lungsod ng Santa Ana, nakatuon ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Orange sa pagprotekta sa karapatan ng bawat botante na makaboto nang madali at ligtas.

Naipadala na ang mga balota sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng rehistradong botante sa Ward Three ng Lungsod.

 

May apat na paraan upang magpasa ng iyong balota.

Una. Maaari kang bumoto sa pamamagitan ng koreo. Walang selyo na kinakailangan. Dapat matatakan ang iyong balota bago lumipas ang Ikalabing-apat ng Nobyembre.

Pangalawa. Maaari mong ihulog ang iyong balota sa isa sa dalawang ligtas na drop box sa Santa Ana, Ward Three...

...o Pangatlo. Dalhin ito sa Sentro ng Pagboto sa Santa Ana, Ward Three.

Mayroon ding drop box para sa balota ang tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa Santa Ana at nagsisilbi itong Sentro ng Pagboto.

At Pang-apat. Maaari ka ring bumoto nang personal sa alinman sa mga Sentro ng Pagboto.

Ang Sentro ng Pagboto sa Santa Ana, Ward Three at ang Sentro ng Pagboto sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay bukas sa Nobyembre 4.

Magsasara ang lahat ng Sentro ng Pagboto at drop box para sa balota pagsapit ng ikawalo ng gabi sa ikalabing-apat ng Nobyembre.

Para sa mga lokasyon at oras ng mga Sentro ng Pagboto, bisitahin ang O-C-Vote [dot] gov [slash] votecenter.

Maaari ka ring tumawag sa aming Hotline ng Botante sa walo-walo-walo-O-C-VOTES. Iyon ay walo-walo-walo-anim-dalawa-walo-anim-walo-tatlo-pito para sa karagdagang impormasyon.

Tandaan ang Santa Ana, Ward Three, Bumoto nang Madali. Bumoto nang Ligtas.